Are you an aspiring writer? A Wattpader? Join me in my Coaching Program!

Opo, tama yong nababasa niyo sa taas. Huehue. A wattpader encourages me to pursue this program. Gusto niya daw matutong magsulat at alam kong marami yan sila, nahihiya lang at hindi alam kung saan magsisimula. Ganyan din ako dati eh. Buti na lang at may nag encourage din sa’kin non. Buti na lang at may naniniwala sa’kin na KAYA KO. Kasi kaya din ng iba.

IKAW DIN. Kaya mo rin.

Hindi naman lahat ng tao ay naturally genius pagdating sa pagsusulat. Hindi lahat marunong. Pero ang bawat isa ay merong taglay na storya sa kaibuturan ng puso nila–hindi nga lang nila alam kung pano susulatin.

Pero naniniwala ako sa salitang HARDWORK at DETERMINATION. Naniniwala din ako sa salitang PASSION. Kaya naman kung naniniwala ka din sa mga salitang yan, JOIN ka na teh! May experience ka man sa pagsusulat o wala, it’s okay, you’re openly welcome here. Lahat ng gustong matuto sa pagsusulat ay ineengganyo kong sumali dito as “coaching program” ko. NOPE, nagkakamali ka teh! Wala po tong bayad! AS IN TALAGA.

Libre to mga ate at kuya!

Kaya wag ka nang magpatumpik-tumpik pa. Wag ka ng KJ. Bawal mahiyain dito OHKAY? Mahirap humanap ng libreng coaching programs ngayon sa pagsusulat, halos lahat kasi may bayad na, lalo na kapag writing workshops or seminars. Pero may good news ako SAYO. Pag sumali ka sa programang to, kahit isang sentimo ay wala kang babayaran! Maliban na nga lang sa internet connection, huehue.

Opo. Totoo to.

Kung ayaw mong maniwala, maniwala ka na lang.

Wala namang mawawala sayo di ba? Sa katunayan nga oras at effort ko ang mawawala, pero okay lang kasi alam kong meron akong natutulungang nilalang.

Sa ngayon po, linggwaheng English lang at Tagalog ang tinatanggap ko. At dahil career woman din ako at may sariling katikaran sa mundo, limited lang po ang SLOTS na tatanggapin ko. 10 to 50 aspiring writers lang po ang pwedeng mag-enroll for the first batch. Opo. Libre to. At dahil libre, first come first served talaga. Again, hanggang 50 students lang po ang pwedeng mag-avail ng programa kong ito.

ENROLL NOW! 50 slots only

Ano pong gagawin sa Programang to?

  • Writing tips and advises
  • Workshops and activities
  • Coaching
  • Sharing and brainstorming
  • Ask Me Anything
  • Constant and personal communication
  • Online conference using Google Hangouts (audio only)
  • Podcast
  • Writing Contests with goodie prizes
  • Certificates
  • And many more!

Ano pong kailangan para sumali?

IKAW. Ikaw mismo ang kailangan dito.

One time registration lang po ito, mga ate at kuya. FREE. Kailangan mo lang ifill-up yong form na binigay ko sa taas–opo, iclick mo po yong ENROLL NOW sa taas. Then viola! Kasali ka na sa programang to. Salamat po.

Ay teka. Meron palang kailangan aside yourself. huehue.

Eto po ang kailangang meron ka:

  1. Gmail Account
  2. Twitter Account
  3. Facebook Account

After ng coaching program, then what?

Pag natapos mo na ang lahat ng basics sa programang to, makakatanggap ka ng certificate na nagpapatunay na sumali ka sa programang to. With my digital signature yan ha. Tapos ipopromote ko yong story na ginawa mo out of this coachincg program. At saka so many more pa. Iupdate ko lang kayo sa weekly emails ko. Huehue.

For more details, basahin niyo po to.

Advertisements

There is joy in communication, let's talk.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s