Rules to Follow

Hi aspiring writers!

Coach Jenine here. Congratulations at nag-enroll ka na sa programang ito. Wag kang mag-alala, hindi ka nag-iisa. Marami tayo. Huehue. Mabuti naman at naisipan mong mag enroll, grab the opportunity na lang kasi bihira lang mangyari to sa buhay ko–este niyo.

At dahil nag enroll ka sa coaching program ko, wala nang atrasan pa. Siyempre, katulad ng isang normal na classroom mayroon din tayong mga “rules” na dapat sundin. Bakit? Para makontrol ko ang crowd, lalo pa’t mahirap dahil hindi ko naman kayo nakikita.

Don’t worry, hindi naman ako strict. Slight lang! Huehue.

Simple lang naman ang mga “rules” natin dito sa coaching program ko. Hindi naman mahirap. Mahihihirapan ka lang kung hindi mo sinusnod–wag matigas ang ulo. Writing needs discipline–keep that in mind.

Rules to Follow in Coach Jenine

Gaya ng sabi sa imahe,

1. Commit your self.

Ang ibig kong sabihin ay dapat mag allot ka talaga ng time para sa programang to. Hindi naman palagi. At least once a week makikita ni Coach Jenine ang presence mo, choks na yon. Meron tayong workshops at writing challenges, pero na sayo pa rin ang huling halakhak kung magpapasa ka ng entries mo. Mas mabuti kung active ka sa pagpasa. Kung hindi naman, well, it’s your lose not mine. Desisyon mo kasi yon pero wag na wag mo akong sisihin kung hindi ka pa rin natuto ha. Sabi ko nga, commit yourself. And that includes to participate in all challenges, submit your entries, and many more.

2. Introduce to one another

At dahil nga coaching program to, malamang marami kayo. Meron tayong Introduce page dito at kung baguhan ka sa programang to, ineencourage ni Coach Jenine na magparamdam ka naman. Magpakakilala ka sa mga kaklase mo at pati na rin sa’kin. Importante talaga yun. Alangan naman turuan ko kayo tapos di ko kayo kilala, di ba? Ang pangit naman atang pakinggan, hehe.

Teka wait, magpakilala ka din sa’kin. Hindi naman to hulaan di ba? At lalong hindi ako manghuhula. Kaya naman please lang, magintroduce ka sa sarili mo. Follow mo lang to na link at magpakilala ka ng pormal: Ako, Siya at si Coach

3. Never ever bash anyone

Opo. Bawal ang away dito. Let us be professional mapa-estudyante ka man o empleyado na, basta para sa’kin pantay tayong lahat. Walang mayaman, walang mahirap. Walang sosyal, walang pasosyal. At higit sa lahat, walang pangit. Lahat tayo ay magaganda at gwapong nilalang, agree? Good. Gusto kong malaman niyo na idedelete ko talaga ang mga komentong hindi nakakatuwa. Kaya please beware of what you say. Bashing is a SIN in my coaching program. Sana gets niyo.

4. Follow and support one another

Hindi ko po to ginagawa para mapromote ang mga naisulat niyo–ginagawa natin to para ma-enhance tayong lahat sa kung ano man meron tayo as aspiring writers. In other kembot, dahil nag enroll ka sa programang to agree ka dapat na kailangan natin ng tulong mula sa social media. I don’t force you to follow one another, but I encourage you so badly to do it. Para naman ma-uplift din ang writing spirits ng mga kaklase niyo. The more the merrier nga. Social medias are the same.

5. Don’t hesitate to ask!

Naku mga ate at kuya, bawal ang mahiyain dito. Alam ko na ang ilan sa atin dito ay introvert, I truly understand that. Ganyan din ako noon. Pero hindi naman siguro ikamamatay ang magtanong di ba? Opo. Magtanong ka kung may something na hindi mo maintindihan. Magtanong ka at magtanong. Dyan naman nag-uumpisa ang lahat eh. Curiosity. Syempre sasagutin ni Coach Jenine ang mga tanong niyo hanggang sa makakaya ng kanyang powers. Hindi naman ako Power Ranger, eh. Writing Ninja nga lang, huehe.

O sige sige mga kapatid. Yan lang ang rules natin sa pagkakataong ito. Please keep these in mind. Wag kalimutan ang rules. Ang bottom line lang naman is: participate.


About Jenine: I’m not JK Rowling. I am me. I write stories not to gain popularity, I write stories because I want to spread and share my writing ideas. I’m not selfish, I share whatever talent I have to the world–that’s my moral contribution. Please follow me to my social medias, especially in my Twitter account.

Twitter: @ninesilos

Facebook: Coach Jenine


Advertisements

There is joy in communication, let's talk.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s