Bakit Nga? Paki Explain.

Gusto kong magsulat! Please teach me, I wanna learn! And the infinity loop goes on.

Tapos na tayo dyan. Gusto mo ngang magsulat. Gusto mong ishare from Pluto to Mars ang brilliant ideas mo. Gusto mong magalit sayo ang mga readers kapag pinatay mo si NEENJAKO. Gusto mong patunayan sa parents mo na may silbi ka sa mundo. Gusto mong sinasabihan ka ng mga tao na magaling kang manunulat.

Pero yun nga ba ang dahilan?

Gusto mong magsulat.

Pero bakit nga? Paki explain.

Sabi ko nga eh. Ako pa rin ang mag-eexplain eh. huehue.

Ganito kasi yan. Alam mo ang pagsusulat ay hindi biro. Kailangan nating mag exert ng effort, oras, patience, mga ideas at bokabularyo. Buti sana kung yon lang. Eh kaso kailangan mo ding i-evaluate ang sarili mo kung bakit…bakit mo gustong magsulat?

Importanteng malaman mo ang goal mo kung bakit nais mong magsulat. Gusto mo bang sumikat lang? O gusto mong yumaman sa pamamagitan ng pagsusulat? Nais mo bang maging bestseller ka rin gaya ng iba? O baka naman gusto mo lang makita sa mga bookstores ang nakaimprinta mong pangalan?

Alin man sa lahat ng yon ay maaari mong maging rason.

Wala akong pakialam kung ano ang rason mo kung bakit gusto mong magsulat. Self-evaluation kasi yan, at hindi ko naman mae-evaluate ang sarili mo. Kasi ikaw ang nakakakilala sa iyong sarili higit sa lahat. Sumikat man o hindi ay meron tayong common ground–gusto nating magsulat.

Pero bakit nga?

Ayan na naman tayo. Pwes, kung ako ang tatanungin niyo gusto kong magsulat kasi gusto kong ipaabot sa ibang tao ukol sa mga ideas ko. Gusto kong patunayan sa mga tao na papatok rin ang genra ko. Gusto kong ishare sa kanila kung ano man ang mga naiisip ko. Gusto kong patunayan na kaya ko rin…na kaya kong magsulat ng magagandang estorya…kahit hindi naman ako naturally genius.

Higit sa lahat, gusto kong magsulat kasi gusto kong iexpress ang sarili ko. Gusto kong iexpress ang mga ideas na ilang taon ko ring itinago. Kailangan ko silang ipalabas kung hindi para akong sasabog. Kung sasabog man ang mga ‘to, gusto ko isabay ang mga readers ko—wag malice please! Hindi krimen ang ibig kong sabihin. Gusto kong pasabugin din sa excitement, galit, at saya ang mga mambabasa. Ng sa ganon, hitting two birds at stone ako.

YUN ANG RASON KO.

IKAW? Ano nga ba ang rason mo? Again, importanteng malaman mo ngayon pa lang kung ano ang dahilan kung bakit gusto mong magsulat. Mahihirapan ka in the long run kung magsusulat ka na hindi mo pala alam para saan. Para kang linta na hindi nakasipsip ng dugo. Ang pagsusulat ay kailangan ng matinding kapit, ng rason, kailangan mo ng pinanghuhugutan. Kailangan mong masagot ang tanong na…

BAKIT AKO NAGSUSULAT?

Kung hindi mo masagot ang tanong na yan, naku I tell you, it will not be an easy road for you. Pero pag nasagot mo ang tanong na yan, everything will go in the flow. Kasi alam mo na meron kang patutunguhan.

Again, before mo ipagsigawan sa buong mundo na gusto mong magsulat ng magandang estorya, tanungin mo muna ang sarili mo: BAKIT NGA BA AKO MAGSUSULAT?

Pag alam mo na, then you’re one step ahead.


Official Hashtags

#akoatsicoach — para sa introduksyon ng bawat isa

#askcoachjenine– kung may itatanong ka kay coach jenine

#ninesilos — kung gusto mong itweet si coach jenine

#neenjakos — kung feeling neenja ka na


About Jenine: I’m not JK Rowling. I am me. I write stories not to gain popularity, I write stories because I want to spread and share my writing ideas. I’m not selfish, I share whatever talent I have to the world–that’s my moral contribution. Please follow me to my social medias, especially in my Twitter account.

Twitter: @ninesilos

Facebook: Coach Jenine

Advertisements

One Comment

There is joy in communication, let's talk.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s