Gusto Kong Magsulat

Gusto kong magsulat! Gusto kong matuto! Gusto kong ishare sa buong mundo ang ideya ko.

Oo na nga. Gusto mong magsulat. Wala namang nagbabawal sayo na hindi, di ba? Kung meron, pwes ipakilala niyo sa’kin at bibigyan ko siya ng isang sakong…ngiti. Huehue.

Ang pagsusulat ay para lang sa natural genius tulad nina JK Rowling o kaya naman ni ate HaveYouSeenThisGirl—eek, wrong. Hindi ako agree dun. Kung totoo yun hindi na sana ako nagsusulat dito, hindi na sana ako gumagawa ng “coaching program” na gaya nito. Kasi hindi naman ako natural genius sa pagsusulat eh! So pano yan? Titigilan ko ba ang pagta-type sa mga letters nato? Idedelete ko na lang ang account ko sa Wattpad?

HOW ABOUT NO?

Opo. Hindi ako natural genius sa pagsusulat. Wala sa dugo ng pamilya ko ang pagsusulat o paggawa ng mga estorya. Ni wala nga akong kamag-anak na published author eh. At hindi rin po ako published author. So pano yan? Hindi na lang ako magsusulat? Hindi ko na lang ishe-share sa mundo ang stories ko dahil hindi naman ako writer? Ganon lang ba yon?

Pwes, hindi ako papayag!

Ikaw ba papayag ka na ganon?

Hahayaan mo ba na kainin ng kawalan ang mga story ideas mo? Hahayaan mo bang ibaon na lang sa limot ang lahat? Magiging selfish ka rin ba tulad ng iba–yung tipo na ayaw nilang isulat ang mga ideya nila kasi baka nakawin ng mga taong nagbabasa? Para san pa nga ba ang mga ideya mo kung hindi mo naman ‘to sine-share sa ibang tao?

Gusto mo ba talagang magsulat?

Gusto mo ba talaga?

Wee? Di nga?

Yong totoo, gusto mo ba talaga?

Pwes, kung gusto mong magsulat magbunyi ka na–kasi nasa tamang landas ka. Este, nasa tamang coaching program ka. Libre na nga, madaldal pa si Coach. Huehue.

Brace yourselves. Nagsisimula pa lang tayo sa ating paglalakbay. Wag kang mawalan ng gana ha. Kapit ka lang ng maigi, wag kang bibitiw sa programang to. Ang bibitiw, talo. Di nga.

Syangapala, kung gusto mo talagang matuto, meron akong pakiusap sayo. Isa lang naman…mag-introduce ka sa sarili mo dito sa Introduce Page. I-comment mo lang mga ate at kuya. At meron tayong official hashtag guys.

Official Hashtags

#akoatsicoach — para sa introduksyon ng bawat isa

#askcoachjenine– kung may itatanong ka kay coach jenine

#ninesilos — kung gusto mong itweet si coach jenine

#neenjakos — kung feeling neenja ka na


ninesilos neenjakoAbout Jenine: I’m not JK Rowling. I am me. I write stories not to gain popularity, I write stories because I want to spread and share my writing ideas. I’m not selfish, I share whatever talent I have to the world–that’s my moral contribution. Please follow me to my social medias, especially in my Twitter account.

Twitter: @ninesilos

Facebook: Coach Jenine

Advertisements

One Comment

There is joy in communication, let's talk.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s