Estorya Taym, Uno

Mga neenja out there, panahon na para magpalabas ng matinding chakra si Coach Jenine! Dahil natapos niyo na ang first activity niyo, level up na naman tayo. Ayay, hindi mo pa natapos yung activity? Ano? Hindi mo pa nabasa ang previous articles ko? Naku naman neenja, wag ganyan. huehue. Importante kasi yun.

On the other kembot, eto na ulit ang butihin niyong Coach, magtatapon na naman ako ng shuriken. Kaya basahin mo to — sasabihin ko sanang makinig ka eh kaso puro letra lang naman ang nakikita niyo. huehue.

Okay mga neenja. Seryoso taym na tayo ha. Gusto mong magsulat di ba? O sige. Push na natin yan. The question is…may estorya ka na ba? huehue.

Syempre mga neenjas kung gusto mong magsulat dapat may estorya ka. Kaya lang, hindi naman lahat sa inyo ay meron na agad. Yung iba dito ay baguhan pa talaga sa pagsusulat. Naiintindihan ko po yun mga neenja. Kaya naman po eto na, eto na talaga. Paglaanan ninyo ng chakra itong mga tips ko ha.

Payo ni Coach Jenine

  1. Unang-una, malikot ang iyong pag-iisip. Malamang oo. Ganyan kasi halos lahat ng mga artists eh. Artist ka na ring matatawag kapag isa kang manunulat. Related din kasi sa arts yan. Ang pagsusulat ay isang ARTS. Tandaan mo yan neenja. Gamitin mo ang imahinasyon mo sa pagsusulat. Wag mong ilimit ang iyong sarili. Kung kaya ng iba, kaya mo rin. Determinasyon lang ang kulang. Kung kaya ngayon pa lang, sungkitin mo na ang nakasabit mong determinasyon. 
  2. Wag kang magpadala sa sasabihin ng ibang tao. May ibang tao kasi na kapag nalaman nilang nagsusulat ka, minsan kinukutya nila, keso ganyan keso ganito. Yong ibang parents nga pagsasabihan ang mga anak nila, “Wala kang mapapala dyan. Hindi mo pagkikitaan yan, unless katulad ka nina JK Rowling.” Actually mga neenja, may point ang mga parents natin. Hindi naman talaga secured ang pagsusulat para gumaan ang future natin. Pero gaya ko, alam kong nais niyong magsulat hindi lang dahil sa gusto niyong maging bestseller–kundi dahil gusto niyo lang. Tapos. Masama bang maging passion ang pagsusulat? Malamang hindi! Kaya push niyo yan. Basta ba wag lang kayo mawala sa goals niyo at di niyo mapapabayaan ang ibang bagay.
  3. Kailangan mong magkaroon ng self-confidence, neenja. Alam kong hindi madali itong journey nating pagsusulat, lalo pa at baguhan ka. Wala naman talagang madali sa buhay. Kaya wag kang mawalan ng pag-asa. Just have faith na kaya mo. Have faith atsaka isali mo sa prayers mo na mabigyan ka ng wisdom ni Lord kung pano magsimula at saan. Effective kaya ang prayer, itry mo! huehue.
  4. Of course mga neenja, it’s a proven fact na dapat nagbabasa ka rin ng mga libro. Dyan naman talaga nagsisimula ang lahat–ang maging reader. Hindi totoo na writer ka lang tapos hindi ka nagbabasa–eh pano naman mangyayari yun? San mo hinugot ang mga ideas, bukabolaryo, at inspirasyon kung hindi ka nagbabasa ng libro? Kung gusto mo talagang magsulat, itry mo munang magbasa ng libro sa paborito mong author–pagkatapos non ay kuhanan mo ng idea ang way of writing niya. Makakatulong yan, promise. Hindi ko naman sinabi na gayayahin mo! Gawin mo lang inspirasyon. At least may pinaghuhugutan ka. Pano mo itatapon ang shuriken mo kung wala kang pinaghuhugutan di ba? Okay, hashtag hugot lang. huehue.
  5. Bago mo simulan ang writing journey mo, I suggest na subukan mo munang makatapos ng isang estorya sa Wattpad o kahit saang platform. Ikaw na ang bahala kung ano. Basta yung genre na feel na feel mo–wag yong rated SPG ha! Naku mga neenja. Itry niyo munang basahin ang storya ng bet niyong author, tapos ievaluate mo yong sarili mo. Kaya mo ba ang ganon? O mas lalamangan mo pa? Mga ganong bagay. Sabihin na nating mas maganda yong story ideas mo–kung ganon eh di simulan mo ng isulat. Kahit draft lang. Sa akin naman, mas effective ako sa first person perspective. Yung 1st person POV.  Narrative in other kembot. IKAW? Subukan mo kung anong kembot ang feel mo. Kunting kembot lang yan mga neenjas.

Sige sige, mga neenjas. Sa pagkakataong ito, hanggang lima lang muna ang payo ko. Too much information at one time is not good kasi. Hinay-hinay lang tayo. Baka ma-overload kasi kayo. Sige bye. Mag-iipon pa ako ng mga shuriken eh–malapit na kasi akong maubusan. huehue.


Official Hashtags

#akoatsicoach — para sa introduksyon ng bawat isa

#askcoachjenine– kung may itatanong ka kay coach jenine

#ninesilos — kung gusto mong itweet si coach jenine

#neenjakos — kung feeling neenja ka na


ninesilos neenjakoAbout Jenine: I’m not JK Rowling. I am me. I write stories not to gain popularity, I write stories because I want to spread and share my writing ideas. I’m not selfish, I share whatever talent I have to the world–that’s my moral contribution. Please follow me to my social medias, especially in my Twitter account.

Twitter: @ninesilos

Facebook: Coach Jenine

Advertisements

There is joy in communication, let's talk.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s