How To Train Your Dragon–este, Pen

Napanuod niyo na ba ang How To Train Your Dragon na movies? Yong 1 and 2 talaga? Kasi napanuod ko yon eh, enjoy much si Toothless. huehue. K bye. Di yon ang point nang artikulong to. Ipagpatuloy ang pagbabasa sa baba…

T-I-M-E. Big word di ba? Alam niyo ba na ang pagsusulat ay kailangan din ng time management? Opo, hindi lang uso ang time management sa school or trabaho. Uso din po yan sa pagsusulat. At sa marami pang bagay. Time management is a significant matter in all things. Kung marunong kang mag-manage sa time mo, sigurado akong maayos ang plastada ng buhay mo. huehue.

Sa panahaon ngayon, busy halos lahat. Busy sa trabaho. Busy sa school–lalo pa ngayon at magsu-summer na. Malapit na magtapos ang mga klase, for sure maraming projects at homeworks ang nakapila. Don’t worry mga neenja, naiintindihan ko ang bagay na yan. Dyan din ako nanggaling noon eh. Naging estudyante din naman ako.

Ang masasabi ko lang based on my experience as one of the aspiring writers, time management is playing a big role sa iyong pagsusulat. Hindi lahat marunong, hindi lahat alam kung pano magsimula, pero kung gusto mong magamit yang lapis at ballpen mo (na matagal ng nakatambak) simulan mo sa pag-practice…malamang kailangan mo ng TIME sa pagpractice. TRAINING kumbaga.

Kung gusto mong matutong magsulat, bigyan mo ng time. Mag-allot ka talaga ng time. Kahit five minutes….ten minutes every night before ka matulog. Or kahit after mong magawa ang mga house chores mo. Parang prayer time din, ganon. At least meron kang allotted time para sa writing journey mo. Naniniwala ako na mate-train mo yang sarili mo sa pamamagitan ng “time management.”

One step at a time.

Magsimula ka sa diary mo. Gumawa ka ng daily journal.  I-take note mo yong mga significant moments na nangyari sayo sa buong araw. I-document mo. Hindi kailangan na 1000 words agad. NOPE. In fact, I discourage na magsimula ka sa maramihang words. Magsimula ka sa pinakapayak. Wag kang rush. Just think of something na significant sa life mo. At kapag meron na, try to document it using your own style–freestyle writing kumbaga.

Bigyan mo ng time. Parang sa relationship lang (relationship kay Lord, sa family, sa friends or sa GF/BF mo) na kailangan mo din bigyan ng time. See? Kahit sang bagay kailangan mo talagang mag-allot ng time, lalo na kapag may goal ka sa buhay. Sa pamamaraan na yan, it’s like you’re training yourself.

Opo.

Train yourself.

In other kembot, disiplinahin mo ang sarili mo. Pati lapis at papel disiplinahin mo rin. Dah, smartphones na lang. Sa panahon ngayon di na masyado ginagamit ang papel kapag nagsusulat ka ng story eh–usually smartphones na ang gamit. Sa case ko naman, laptop. Boyfriend ko kasi si Microsoft Word. Love him much nga eh. huehue. We’ve been together since 6 years ago–ahahha.

Anyway mga neenja. What I learn about writing talaga is that…

You will never find time unless you give time. In other kembot, you will never write anything unless you write.

Sumulat ka lang ng sumulat. Icompile mo lahat ng hidden diaries mo. Gumawa ka ng simpleng journal everyday. You will realize at the end na marami ka na palang nasulat–na may nasulat ka pala!

Gusto niyo ba ng sample sa diary style of writing? Check niyo yong gawa ng isa sa mga readers ko, at kaibigan na rin–si Hannah, pero account ng sister ang ginagamit niya. Kahit simpleng kembot lang…that will speak of yourself or other people.

Dear Kojic by Hazzzeel (Hannah)

O sya sya mga neenja. Yan lang muna. Ipopost ko next time yong pa-contest ko. Abangan niyo yon ha. Ang mapipiling entry ay makakatanggap ng Wattpad book ng gusto nilang author/story–yong nasa National Bookstore lang ha! huehue.

K bye.

Feeling dragon kahit neenja naman, Coach Jenine 


Official Hashtags

#akoatsicoach — para sa introduksyon ng bawat isa

#askcoachjenine– kung may itatanong ka kay coach jenine

#ninesilos — kung gusto mong itweet si coach jenine

#neenjakos — kung feeling neenja ka na


ninesilos neenjakoAbout Jenine: I’m not JK Rowling. I am me. I write stories not to gain popularity, I write stories because I want to spread and share my writing ideas. I’m not selfish, I share whatever talent I have to the world–that’s my moral contribution. Please follow me to my social medias, especially in my Twitter account.

Twitter: @ninesilos

Facebook: Coach Jenine

Advertisements

There is joy in communication, let's talk.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s