Contest Time #1

Long time no shurikens mga neenja! Kamusta naman ang school days nating dyan? huehue. Sorry hindi masyado makarelate si Coach pagdating sa mga ganyang bagay, matagal ko nang kinalimutan ang pag-aaral–haha joke lang. Ikaw naman. Di mabiro. Nagtatrabaho na sa Neenja World si Coach. Kaya yun.

Anyways mga neenja, nabasa niyo na ba ang “how to train your pen?” na artikulo ko? Naku sana nabasa niyo na yon. Makakatulong yon sa pagsusulat niyo.

On the other kembot, eto na yong pinakahihintay ng lahat. Ang Writing Contest ni Coach Jenine! Opo. Eto na yong contest proper. Sorry at medyo natagalan sa pagpost si Coach, naubusan kasi ako ng shurikens last week, huehue. Actually, nabusy lang talaga si Coach. huehue. Sorry na. Tao rin naman ako at nabi-busy rin po. Part time lang naman ang pagiging neenja ko. huehue.

Ano ang gagawin?

Sagutin lamang ng bonggang-bongga ang question na to:

“Bakit Gusto Mong Magsulat?”

Maari mong gamitin ang iyong imahinasyon, o kahit wag na lang, as long as masagot mo ng buong puso ang tanong na yan. After all, yong content/thought ng sinulat mo ang babasehan ko. huehue. Opo. No correct grammer dito. Ang importante may laman yong entry mo sa contest. Freestyle writing to mga neenja. You can write however you like. Ikaw na ang bahala kung ano ang diskarte mo. Basta masagot mo lang ang tanong–at magustuhan ni Coach.

huehue.

Dapat hindi bumaba ng 100 words ang iyong entry. Nasa 100 – 1,000 words lamang po. No more, no less. Gets po ba? If not, iPM mo si Coach para mas malinawagan ka. The contest will run until summer po–it will end on the last day April. Bakit matagal ang running time? Kasi marami pang busy sa school ngayon–ending of classes na kasi. Bigyan naman natin ng chances yong ibang neenja. huehue.

Yong entry niyo mga neenja ay ipublish niyo po sa Wattpad account niyo. Okay ba? huehue. Tapos idedicate niyo sa akin para malaman kong okay na. Ang title ng entry ay dapat uniporme, dapat ganito po: BAKIT GUSTO KONG MAGSULAT?

Si Coach ay tumatanggap na ng entry starting tomorrow. Again, this contest will end on April 30, 2015. Maraming salamat po mga neenja!

O sya sya. Kung may tanong pa kayo iPM niyo lang si coach ha. Out na muna ako kasi mamumulot na naman ako ng shurikens. Mahirap maubusan. Maraming kakompetensya. haha.

K bye.


Official Hashtags

#akoatsicoach — para sa introduksyon ng bawat isa

#askcoachjenine– kung may itatanong ka kay coach jenine

#ninesilos — kung gusto mong itweet si coach jenine

#neenjakos — kung feeling neenja ka na


ninesilos neenjakoAbout Jenine: I’m not JK Rowling. I am me. I write stories not to gain popularity, I write stories because I want to spread and share my writing ideas. I’m not selfish, I share whatever talent I have to the world–that’s my moral contribution. Please follow me to my social medias, especially in my Twitter account.

Twitter: @ninesilos

Facebook: Coach Jenine

Advertisements

There is joy in communication, let's talk.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s