Contest Time #1

Long time no shurikens mga neenja! Kamusta naman ang school days nating dyan? huehue. Sorry hindi masyado makarelate si Coach pagdating sa mga ganyang bagay, matagal ko nang kinalimutan ang pag-aaral–haha joke lang. Ikaw naman. Di mabiro. Nagtatrabaho na sa Neenja World si Coach. Kaya yun.

Anyways mga neenja, nabasa niyo na ba ang “how to train your pen?” na artikulo ko? Naku sana nabasa niyo na yon. Makakatulong yon sa pagsusulat niyo.

On the other kembot, eto na yong pinakahihintay ng lahat. Ang Writing Contest ni Coach Jenine! Opo. Eto na yong contest proper. Sorry at medyo natagalan sa pagpost si Coach, naubusan kasi ako ng shurikens last week, huehue. Actually, nabusy lang talaga si Coach. huehue. Sorry na. Tao rin naman ako at nabi-busy rin po. Part time lang naman ang pagiging neenja ko. huehue.

Ano ang gagawin?

Sagutin lamang ng bonggang-bongga ang question na to:

“Bakit Gusto Mong Magsulat?”

Maari mong gamitin ang iyong imahinasyon, o kahit wag na lang, as long as masagot mo ng buong puso ang tanong na yan. After all, yong content/thought ng sinulat mo ang babasehan ko. huehue. Opo. No correct grammer dito. Ang importante may laman yong entry mo sa contest. Freestyle writing to mga neenja. You can write however you like. Ikaw na ang bahala kung ano ang diskarte mo. Basta masagot mo lang ang tanong–at magustuhan ni Coach.

huehue.

Dapat hindi bumaba ng 100 words ang iyong entry. Nasa 100 – 1,000 words lamang po. No more, no less. Gets po ba? If not, iPM mo si Coach para mas malinawagan ka. The contest will run until summer po–it will end on the last day April. Bakit matagal ang running time? Kasi marami pang busy sa school ngayon–ending of classes na kasi. Bigyan naman natin ng chances yong ibang neenja. huehue.

Yong entry niyo mga neenja ay ipublish niyo po sa Wattpad account niyo. Okay ba? huehue. Tapos idedicate niyo sa akin para malaman kong okay na. Ang title ng entry ay dapat uniporme, dapat ganito po: BAKIT GUSTO KONG MAGSULAT?

Si Coach ay tumatanggap na ng entry starting tomorrow. Again, this contest will end on April 30, 2015. Maraming salamat po mga neenja!

O sya sya. Kung may tanong pa kayo iPM niyo lang si coach ha. Out na muna ako kasi mamumulot na naman ako ng shurikens. Mahirap maubusan. Maraming kakompetensya. haha.

K bye.


Official Hashtags

#akoatsicoach — para sa introduksyon ng bawat isa

#askcoachjenine– kung may itatanong ka kay coach jenine

#ninesilos — kung gusto mong itweet si coach jenine

#neenjakos — kung feeling neenja ka na


ninesilos neenjakoAbout Jenine: I’m not JK Rowling. I am me. I write stories not to gain popularity, I write stories because I want to spread and share my writing ideas. I’m not selfish, I share whatever talent I have to the world–that’s my moral contribution. Please follow me to my social medias, especially in my Twitter account.

Twitter: @ninesilos

Facebook: Coach Jenine

Advertisements

Nasan Na Kayo Mga Neenja?

Hello sa mga neenja dyan kung buhay pa ba kayo! huehue. Naks naman, ilang araw na akong update ng update kaso parang silent mode lang ang ilan. Itigil ko na lang kaya ang programang to? Joke!

Gumawa na rin ako ng Wattpad version sa mga topics ko para naman easy access lang sa ibang neenja. Oh yan ha. Pinagbigyan. Kaso parang dalawa pa lang ata ang nagcomment dun eh, dalawang neenja pa lang ang nagpakilala. Tapos limang neenja pa lang din ang nasa official list ko — yong nagregister talaga sa Google form. huehue.

Well, may good news ako sa mga early birds na neenja–may pa contest ako sa inyo!!! Ang mananalo ay padadalhan ko ng isang published Wattpad book ng gusto nilang author–free shipping yan ha!

OPO. Tama yong nababasa niyo. Magpapacontest ako para naman mabuhayan kayo ng lamang loob at gaganahan kayong magtapon ng shuriken!!!

Sa susunod na artikulo malalaman niyo kung anong klaseng pacontest ang ibig kong sabihin. Magsusulat kayo, malamang! huehue. Sa katunayan, napublished ko na ang activity na yon eh. Kaso busy pa ang mga neenja–naiintindihan ko naman kasi ending of classes na. huehue. Sorry hindi na makarelate si Coach ha, hindi na kasi ako nag-aaral eh. Working woman na ang neenjang to. Opo. Work na po ako.

Sige, sige. Magpopost ako after nito kung pano gagawin ang pa contest ko. Abangan niyo ha. Madali lang naman. Pipilian ko kung kaninong entry ang karapat-dapat na bigyan ng shurikens ko. Pero teka, may rules ako sa pacontenst-slash-activity na yon. Ang pwedeng sumali ay yong nasa official list ko lang. Meaning, kung nag register ka sa form ay nasa official list ka na. If hindi pa, pwede ka pang humabol. Remember, limited spots lang ang tatanggapin kong official neenjas.

On the other kembot, eto pa yong mga neenjang nasa official list ko:

  1. Rachel Berry
  2. Zelin
  3. Drin
  4. Adakaba
  5. His one. Her only.

Opo, lima palang ang official neenja. Kayo pa lang ang pwedeng sumali sa first writing activity ko–slash–contest. Yung gustong humabol sa list, pwede pang mag register. ENROL KA DITO.

PRIZE SA CONTEST:

Published Wattpad Book ng favorite story or author mo. Viva Psicom, Pastry Bug or mapa Pop Fiction pa yan–as long as nasa National Book Store. huehue. Free shipping po nationwide.

K bye.

Magwa-wattpad pa ako eh. Walang kape kasi.

Feeling mayaman kahit hindi naman, Coach Jenine