Activity 1 : Gusto Kong Magsulat, Period

Hello mga neenjas! Magandang buhay. Nabasa mo na ba ang previous articles ko? So far tatlo na yun eh. Naku pag hindi mo pa nabasa ang mga yon, eh baka mahirapan kang makarelate sa writing activity na ‘to. Basa-basa rin pag may time. Kekeke.

Mga topics na related sa activity na to:

Gusto Kong Magsulat
Bakit Nga? Paki Explain.
Wag Mo ‘Tong Basahin

Opo, magsisimula na tayong mag-practice.

Ano? Activity na agad-agad? Oh di ba parang candy crush lang–rush. Biro lang. huehue. Pag lagi akong nag-post ng articles at tips, baka ma-bored kayo kalaunan. Kaya naman magwo-workshop tayo from time to time.

Hindi naman mahirap. Slight lang, huehue.

Sa activity na ‘to ay kailangan mong magsulat ng simpleng essay. At least 200 words to 500 words lang naman. Practice to guys, practice. Simple lang naman ang gagawin. Sagutin mo lang ang katanungan ko:

Bakit gusto mong magsulat?

Oo, yan po ang tanong sa first activity natin, mga neenjas.

Gaya ng na-explain ko sa previous articles, importante na alam natin kung bakit gusto nating magsulat. Para san nga ba at gusto nating magsulat? May rason naman talaga diba? Pwes, mga neenjas, panahon na para ishare mo yan.

Ikaw Coach, bakit gusto mong magsulat?

Pwes, kung ako ang tatanungin niyo gusto kong magsulat kasi gusto kong ipaabot sa ibang tao ukol sa mga ideas ko. Gusto kong patunayan sa mga tao na papatok rin ang genra ko. Gusto kong ishare sa kanila kung ano man ang mga naiisip ko. Gusto kong patunayan na kaya ko rin…na kaya kong magsulat ng magagandang estorya…kahit hindi naman ako naturally genius. (excerpt sa previous article, Bakit Nga? Paki Explain)

Anong gagawin sa activity na to?

  1. Gumawa ng simpleng essay or narrative kung bakit gusto mong magsulat. Bawat tao na gustong matutong magsulat ay may sariling rason–ano ang rason na yon? Bakit mo naisipang matuto at magsulat? May freedom of speech tayo. Sabihin niyo ang gusto niyong sabihin.
  2. Ang essay ay dapat hindi bumaba sa 200 words. Dapat nasa pagitan lang ng 200 words to 1,000 words. Wag lumampas sa 1,000 words.
  3. Kung desktop gamit niyo, nirerekomenda kong gumamit kayo ng writing tool gaya ng Microsoft Word. Makikita niyo kasi sa Microsoft Word kung ilang words na ang nagamit niyo.
  4. Kung mobile naman ang gamit niyo, punta kayo sa http://www.wordcounter.net/. Pwede niyong icheck ang word counts niyo online gamit ang tool na yun. No hassle pa.
  5. Hindi kailangan na creative ang pagkasulat niyo. Simpleng essay lang naman to. Ang importante ay naexpress mo ang sarili mo at nasabi mo kung ano ang gusto mong sabihin. Use your own voice. And the words will flow.
  6. Wag kang mag-alala sa title. Uniform lang tayong lahat. Ang title lang naman is : Gusto Kong Magsulat, Period.
  7. Ilagay niyo ang entries niyo dito sa “comment section.” Gagawa ako ng Book sa wattpad account ko kung saan dun ko iko-compile ang mga entries na pinasa niyo. Tapos idedicate ko ang entry sa Wattpad account niyo. Make sure friends tayo sa Wattpad, huehue.
  8. Walang deadline sa submission ng entry na to. Take your time. Ikaw ang bahala kung kailan mo magpasa. Kaya lang, eto lang masasabi ko, hindi ka pwedeng magparticipate sa susunod na activity hanggang hindi mo pa natapos ang level na to. Yun lang naman yun. huehue.

O pano ba yan mga neenja, simulan niyo na. Ang dali lang diba? huehue. Simulan niyo nang magtapon ng shuriken at chakra!

Coach Jenine

Advertisements